Ang aming team sa Al Barsha
Mga general dentist, orthodontist at implant dentist na lisensyado ng Dubai Health Authority, kasama ang mga assistant at reception team na mag-aasikaso sa iyo. Nagsasalita kami ng Ingles at Tagalog, kaya puwede kang magtanong tungkol sa sakit ng ngipin, pustiso o braces sa wikang komportable ka.
Mga dentista
May 11 taon na karanasan sa dentistry si Dr. Sara, ang aming Pilipinong implantologist. Maingat niyang pinaplano ang bawat implant, ipinapaliwanag sa simpleng salita ang bawat option at presyo, at sinisigurong panatag ka mula sa unang konsultasyon hanggang sa final na crown.
Si Dr. Poojit ay DHA-licensed na specialist orthodontist na may 11 taon sa dentistry, 6 dito sa orthodontics. Espesyalidad niya ang Invisalign at fixed braces, pati ang komplikadong attachment mechanics para sa mahihirap na kaso, na may maingat at evidence-based na pagpaplano para sa pasyente sa lahat ng edad.
General dentist si Dr. Vaishali na may 10 taon na karanasan, mula check-up at pasta hanggang bunot, root canal at bridge. Kalmado at masinsin, ipinapaliwanag niya ang bawat hakbang para lagi mong alam ang susunod.
General dentist si Dr. Amna na may 5 taon na karanasan sa check-up, linis, pasta at pang-araw-araw na dental care. Mahinahon at maasikaso, pinapanatag niya ang mga kinakabahang pasyente at hindi niya minamadali ang bawat visit.
General dentist si Dr. Ramsha na may 7 taon na karanasan sa preventive at restorative care, mula linis at pasta hanggang crown. Palakaibigan at metikuloso, malinaw siyang magpaliwanag at maayos niyang pinaplano ang bawat treatment para komportable ka.
Mga dental assistant
May 4 na taon na karanasan si Saleeha bilang dental assistant. Kalmado at organisado, maingat niyang inihahanda ang bawat treatment room at sinisigurong komportable ka mula pag-upo mo sa dental chair.
May 7 na taon na karanasan si Masood bilang dental assistant, at katuwang siya ng aming mga dentista mula check-up hanggang implant. Kilala si Masood sa maingat na kamay, magiliw na pakikitungo at malinaw na payo pagkatapos ng treatment.
May 5 na taon na karanasan si Farhan bilang dental assistant, katuwang ng aming mga dentista sa karaniwan at espesyal na treatment. Maasikaso at mahinahon, ipinapaliwanag ni Farhan ang bawat hakbang habang ginagawa ito, kaya walang sorpresa.
Reception
Si Zairah ang madalas na unang sasalubong sa iyo sa Healthpoint. Magiliw at mabilis tumulong, siya ang nagbu-book ng visit mo, nagpapaliwanag ng presyo at paraan ng pagbabayad, at sinisigurong nasagot ang lahat ng tanong mo bago ka umalis.
Team na nagsasalita ng Tagalog
Mas madali ang dental visit kapag naikukuwento mo ang sakit, naitatanong ang presyo at nasasabi ang alalahanin mo nang hindi naghahanap ng tamang English na salita. Ipinapaliwanag ng team namin na nagta-Tagalog ang X-ray mo, ang mga option at ang posibleng risk bago magsimula ang anuman, para malinaw ang lahat bago ka magdesisyon. Kasama rin sa team namin si Dr. Sara, ang aming Pilipinong implantologist.
Mga treatment na madalas itanong ng mga Pilipinong pasyente
- Pustiso (dentures)Buo, partial at flexible na pustiso, pati pagpapaayos. Mula AED 250.
- Brace (braces)Metal at ceramic braces na pinaplano ng aming orthodontist. Mula AED 249.
- Bunot (extraction)Pagbunot ng ngipin at wisdom tooth. Mula AED 100.
- Pasta (fillings)Pasta na kakulay ng ngipin. Mula AED 99.
- Linis (cleaning)Scaling at polishing. AED 79.
- Pustiso with braceNatatanggal na pustiso na may brackets ng braces sa ibabaw. Mula AED 249.
Sinimulan mo ba ang braces sa Pilipinas?
Marami sa aming pasyente ang nagsimula ng treatment sa Pilipinas at kailangan ng magtutuloy nito sa Dubai. Dalhin ang anumang records na meron ka, gaya ng X-ray, litrato o treatment plan. Titingnan muna ng orthodontist ang ngipin at brackets mo, saka ipapaliwanag ang schedule ng adjustment at ang presyo bago ituloy. Basahin ang braces adjustment at transfer cases.
Presyo sa dirham, bayad sa paraang gusto mo
Makikita sa bawat treatment page ang simulang presyo sa AED, at libre ang konsultasyon mo. Puwede kang magbayad ng cash, card o bank transfer, o hatiin ang bayad gamit ang Tabby o Tamara (depende sa approval nila). Kung may insurance ka, ibibigay namin ang invoice at medical report para ma-claim mo ulit ang pera sa karamihan ng insurance na nagre-reimburse ng dental treatment. Tingnan ang buong listahan ng presyo.
Paano kami puntahan
Al Bedaia Building, Al Barsha 1
Dubai, sa likod ng Mall of the Emirates
- Araw-araw, 9 AM to 9 PM
- +971 58 588 6915 (tawag o WhatsApp)
- Nagsasalita kami ng Ingles, Tagalog, Bisaya, Hindi, Urdu at Arabic
Mag-book ng libreng konsultasyon
Libre ang konsultasyon mo. Mag-message sa WhatsApp sa Tagalog o English, o tumawag sa +971 58 588 6915.